Article Inside Page

Showbiz News

Natapos ang MGI All Stars journey ni Gazini Ganados sa top five.Ilang raw na ang lumipas simula nang matapos ang MGI All Stars pageant, pero puno pa rin ng pasasalamat ang Sparkle artist na si Gazini Ganados sa kanyang experience sa pageant.

Nag-upload ng mga picture mula sa MGI All Stars pageant sa kanyang Instagram si Gazini, at sa caption ay sinabi niya na puno siya ng pasasalamat para sa kanyang experience. Ayon sa kanya, pinaalala ng MGI All Stars pageant kung bakit siya nagsimula mag-pageant. Pinasalamatan din niya ang lahat ng sumuporta sa kanya at sinabi na ang kanilang pag-ibig, suporta, at paniniwala ang nagdala sa kanya kung nasaan siya ngayon.

Lumaban sa MGI All Stars sa Thailand si Gazini nitong nakaraang buwan. Nakaabot siya hanggang sa top five. Si Vanessa Pulgarin ng Colombia ang nagwagi sa pinaka-unang MGI All Stars pageant.