Article Inside Page
Showbiz News
Kung papalarin, si Gazini Ganados ang magiging unang winner ng MGI All Stars pageant.Agaw-atensyon ang Sparkle artist na si Gazini Ganados sa MGI All Stars pageant, salamat sa kanyang pasabog na entrance sa sashing ceremony ng international pageant.
Nagupload ng Reel si Gazini sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang naglalakad sa runway suot ang isang golden bikini, at pagkatapos noon ay isang kumikislap na damit na gawa ng designer na si Pam O' Keefe. Sa caption, isinulat ni Gazini na siya ay “starstruck” pa rin mula sa sashing ceremony, at hindi pa rin siya maka-get over sa “magic, the energy, and the moment.”
RELATED GALLERY: Gazini Ganados is ready to be the first MGI All Stars winner










