Article Inside Page

Showbiz News

Dati nang ibinahagi ni Gazini Gandos na bumalik siya sa pageantry na isang 'woman not divided by heritage, but empowered by it'.Patuloy ang pagpapakita ng suporta ni Sparkle artist Gazini Ganados sa kaniyang Palestinian heritage sa patuloy niyang laban para maging kauna-unahang MGI All Stars winner.

Nag-upload ng ilang pictures si Gazini sa kaniyang Instagram account kung saan suot niya ang isang red suit na gawa ng designer na si Mark Bumgarner. Kita rin sa mga picture ang parte ng suit na ginagamit ang keffiyeh, isa sa mga simbolo ng Palestinian liberation movement.

Ito ang isinulat ni Gazini sa caption ng post: “A quiet kind of strength, but a voice that reaches far beyond the lights.”