Article Inside Page

Showbiz News

Malalaman ni Gazini Ganados kung siya ang kauna-unahang MGI All Stars queen ngayong gabi.Pursigido ang Sparkle artist na si Gazini Ganados na maging kauna-unahang MGI All Stars queen, at kitang-kita ito ngayong parte siya ng top 10 ng MGI All Stars live results.

Ipinakita ng Miss Grand International organization ang ranking ng 56 kandidata ng kauna-unahang MGI All Stars pageant sa isang Instagram post. Base rito, pangwalo si Gazini Ganados, na may summary na 6.40. Nangunguna sa ranking si Vanessa Pulgarin ng Colombia, na mayroong summary score of 6.83.

Nasa top 20 naman si Fuschia Anne Ravena, na may summary score na 6.34. Si Keylyn Trajano ay nasa 27th place at may summary score siya na 5.75, habang si Imelda Schweighart () at Alexia Nuñez ay nasa 31st at 34th place, respectively.