Article Inside Page

Showbiz News

Thirty percent ng score ni Gazini Ganados sa MGI All Stars ay manggagaling mula sa boto ng mga fansKailangang kumayod ng mga Filipino pageant fans na gustong itulak si Sparkle artist Gazini Ganados sa tuktok ng MGI All Stars pageant dahil kakailanganin ni Gazini ng libo-libong boto para makarating sa dulo.

Ipinaalam ng Empire Philippines sa mga Filipino fans na pinupuntirya nila ang 100,000 boto para kay Gazini dahil 30 percent ng kanyang score sa MGI All Stars pageant ay manggagaling mula rito. Sa isang Instagram post, sinabi ng grupo na balik sa zero ang score ng bawat kandidata sa MGI All Stars pageant pagkatapos ng bawat round kung kaya kailangan ng 100,000 na boto para masiguro ang placement ni Gazini. Idinagdag din ng Empire Philippines ang instruction kung paano bumoto sa caption ng Instagram post.

Nanawagan ang Empire Philippines ng 100,000 votes para kay Gazini pagkatapos pumasok ng Sparkle artist sa top 10 ng MGI All Stars live results.