Article Inside Page

Showbiz News

Kinontra ni Jodi Sta. Maria ang pananaw ng isang netizen na dapat ay hindi siya naglalabas ng opinyon tungkol sa estado ng pulitika sa bansa, at iginiit na responsibilidad ng bawat mamamayan na manatiling mulat sa mga isyung panlipunan.

Patuloy na ginagamit ni Jodi Sta. Maria ang kanyang boses upang hikayatin ang publiko na maging mapanuri at mulat sa mga isyung panlipunan at pampulitika sa bansa.

Kabilang ang award-winning actress sa mga celebrity na hindi natatakot magbahagi ng kanilang pananaw tungkol sa kasalukuyang estado ng pulitika sa Pilipinas upang mahikayat ang mga tao na makialam at maging informed citizens.