Article Inside Page
Showbiz News
Alamin ang relasyon ngayon nina Iwa Moto at Jodi Sta. Maria.Sa kabila ng pagiging dating asawa ni Pampi Lacson si Jodi Sta. Maria, maganda ang relasyon ng aktres sa current partner nito na si Iwa Moto.
“Nu'ng dumating ako sa buhay ni Pampi, wala na talaga sila. Kaya rin siguro hindi naging mahirap 'yung transition namin to becoming friends maybe because I'm not the reason why they broke up,” sabi ni Iwa sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 8.
Dagdag pa nito, lubos din ang pagmamahal niya sa anak nina Jodi at Pampi na si Thirdy, kaya hindi na sila nahirapan na maging magkaibigan.






