Article Inside Page

Showbiz News

Matapos ang 14 taong pagiging partners ay engaged na sina Iwa Moto at Pampi Lacson. Pinaplano na rin nilang magpakasal sa 2028.Pinaplanong magpakasal nina Iwa Moto at Panfilo "Pampi" Lacson Jr. sa taong 2028.

Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes (June 8), ikinuwento ni Iwa ang engagement kay Pampi sa Japan noong February, matapos ang 14 taong pagiging partners.

Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda kung paano nila narating ang tagpong ito, sagot ni Iwa, "Patience. Haba ng pasensya ko."