Article Inside Page
Showbiz News
Si Senator Win Gatchalian ang politikong sana ay sinagot ni Angelica Jones noon—at aminado ang dating aktres na pinagsisisihan niyang hindi niya ito nabigyan ng pagkakataon.Naging usap-usapan kamakailan ang pagbisita ni Miss Flawless Angelica Jones sa Your Honor podcast dahil sa ilan sa mga rebelasyon niya, kabilang na ang tungkol sa isang kasalukuyang senador na nanligaw umano sa kaniya.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong September 1, inamin ni Angelica na ang kasalukuyang Senate President na si Sherwin “Win” Gatchalian ang tinutukoy niyang politiko sa podcast.
Sa “Fast Talk” segment ng naturang programa, tinanong siya ng King of Talk na si Boy Abunda kung sinong pulitiko ang sana ay sinagot niya noon.






