Article Inside Page
Showbiz News
Nagsalita ang ina ni Sachzna Laparan na si Christine Laparan Policarpio hinggil sa isyu ng anak at ni Angelica Jones sa kantang "Miss Flawless."Nagpahayag na ng kaniyang saloobin si Christine Laparan Policarpio, ang ina ng influencer na si Sachzna Laparan, hinggil sa isyung ibinabato sa kaniyang anak ng dating aktres at ngayo'y board member na si Angelica Jones.
Ito ay kaugnay ng umano'y hindi pagpapaalam ng influencer sa paggamit ng kanta ng dating aktres na Miss Flawless.
Sa isang episode ng podcast na Your Honor, nabuksan ng dating aktres ang kaniyang saloobin tungkol sa hindi raw pagpapaalam ng influencer sa kaniya para sa pag-revive ng kanta.






