Article Inside Page
Showbiz News
Angelica Jones sa ginawa ni Sachzna Laparan: “ I will accept the apology kung meron pero as of now wala eh.” Alamin ang buong pahayag ng original 'Miss Flawless' sa 'Your Honor'.Ramdam pa rin ang disappointment ni board Member Angelica Jones a.k.a Miss Flawless sa nangyaring issue sa kanila ng content creator na si Sachzna Laparan.
Tumugon ang comedienne sa subpoena nina Madam Chariz Solomon at Vice Chair Pro Tempore Mikoy Morales sa Your Honor at dito, ikinuwento niya ang bad experience niya kay Sachzna.
Ayon sa naunang pahayag ni Angelica, nagulat daw siya na itinuloy ng controversial social media personality ang shoot nila sa Laguna kung saan kasama siya dapat. Pero nung nag-follow up si Angelica tungkol dito ay sinabihan siyang cancelled daw diumano.






