Article Inside Page
Showbiz News
Payo ni Joy Barcoma tungkol sa pag-ibig: "Pinakaimportante is trust."Marami ang natuwa at inabangan ang interview ng “Pambansang Jusa” at Unang Hirit host na si Joy Barcoma sa naturang Kapuso morning show sa episode nito noong Biyernes, Setyembre 11.
Bago sumalang sa interview ay nakatutuwang rumampa si Joy sa red carpet mula sa entrance ng GMA Network Center patungo sa studio ng naturang programa, na tila paggaya sa entrance ni GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes noong bumisita ito sa programa noong nakaraang episode para kausapin ang host na si Baus Rufo.
Pagkapasok sa studio ay agad siyang sinalubong ng hosts na sina Shaira Diaz at Suzi Abrera, kasama ang Barangay Love Stories host na si Papa Dudut na nag-guest sa programa.






