Inilahad ni Joy Barcoma ang pagkakaroon ng maagang responsibilidad bilang ate at main provider ng kanilang pamilya.Ikinuwento ito ng beauty queen at host sa kaniyang guesting sa The Bare It All Podcast ni Dani Barretto.

Ayon kay Joy, "Hindi ako maalaga sa sarili ko. I'm very irresponsible when it comes to myself. I'm very responsible when it comes to my family, to my work, kasi I take pride in that. I take pride in taking care of other people. Pero pagdating sa sarili ko, sobrang irresponsable ko talaga."

Inamin din ni Joy na naramdaman niya ang pagiging main provider noong siya ay nag-aaral ng kaniyang college degree. Si Joy ay nakapagtapos ng broadcast communication sa Polytechnic University of the Philippines noong 2018.

"I felt na ako na 'yung main provider nung college na ako kasi parang lahat na ng gastos, ako na. Aral ng kapatid, kuryente sa bahay, bayad sa internet, pamasahe ko sa school. Parang, 'wow mama, wait lang naman, wow,' ganon. So parang doon ko na na-feel na, 'ah, ako na,' ganyan."Dugtong pa ni Joy, "So 'yun 'yung parang moment na na-realize ko na, 'ah, kailangan ko nang seryosohin 'to and there's no turning back.' There's no room for failures from here on kasi alam ko na kapag nag-fail ako, magfe-fail din 'yung family ko. Magfe-fail din 'yung dreams ng mga kapatid ko, so I can't let that happen to them."