Article Inside Page

Showbiz News

Sa kabila ng magkakaibang opinyon, puno pa rin ng respeto sina Iya Villania, Suzi Entrata, at Camille Prats sa isa't isa.Hindi na bago para sa magkakaibigang Camille Prats, Iya Villania, at Suzi Entrata ang chikahan tuwing nagkikita.

Sa dinami-rami ng mapag-uusapan, ano nga ba ang ginagawa nila kapag napupunta na sa mga sensitibong paksa katulad ng pulitika?

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 20, inamin nina Camille, Iya, at Suzi na hindi nila pinag-uusapan ang mga paksa na maituturing nilang sensitibo. Sa katunayan, iniiwasan pa nga nila ito.