Article Inside Page

Showbiz News

Sa pagpalit kay Suzi Entrata ni Iya Villania bilang partner ni Camille Prats sa MARS, nagkaroon kaya ito ng sama ng loob sa kanila?Inamn ni Suzi Entrata na nalungkot siya nang hindi siya nakasama ng mga dating co-hosts niyang sina Camille Prats at Iya Villania sa talk show na MARS. Gayunman, masaya naman siya para sa dalawa na naipagpatuloy nila ang kanilang show.

Matatandaang nag-umpisa ang MARS noong 2012 sa GMA News TV, bago ito nalipat sa GMA Network noong 2019. Sa paglipat nito, pinalitan ni Iya si Suzi bilang partner ni Camille sa show.

“I would've wanted to join the two of them, or actually, kasi kami naman talaga ni Camille 'yung original MARS, e. It would've been so awesome kung naging kaming tatlo,” pag-alala ni Suzi sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 20.