Photo Inside Page

Photos

Hindi lang katrabaho kundi kapamilya na ang turing ni Claudine Baretto sa mga naging co-stars niya sa hit sitcom noon na Home Along Da Riles, na pinagbidahan ng yumaong Pinoy Comedy King na si Dolphy.

Kaya naman naging madali raw para sa kanya ang mapapayag sa reunion movie nilang Home Along Da Riles. Sa katunayan, aniya, naging katuwang pa niya ang kanyang mga kasamahan sa pelikula nang may pinagdadaanan siya sa buhay.

“I was saying this nung nakita namin yung kabuan ng pelikula, na I wouldn't be able to be where I am right now or to have gone through everything na pinagdaanan ko kung wala yung pamilya ko.