Article Inside Page
Showbiz News
Jhong Hilario nang muling mapanood ang 'Muro-ami': "Feeling ko nga parang ngayon lang siya, parang bago lang sa akin. And 'yung story ng child labor talaga, 'yung kahirapan, gagawin ang lahat dahil gustong makaahon sa hirap."Sa 1999 award-winning film na Muro-ami nagkaroon si Jhong Hilario ng unang kontrabida role sa isang pelikula. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya bilang isang artista.
Simula June 3, muling mapapanood sa mga piling sinehan nationwide ang remastered version ng Muro-ami. Sa naganap na special screening ng pelikula noong Martes, May 19, binalikan ni Jhong ang hirap na pinagdaanan bilang preparasyon sa kanyang role sa pelikula.
Sa Muro-ami, gumanap si Jhong bilang Botong, isang muro-ami diver at pinagkakatiwalaan ni Fredo (Cesar Montano), na sa huli ay magtataksil.











