Article Inside Page

Showbiz News

Ricky Lee sa inspirasyon ng award-winning film na 'Muro-ami': "'Yung ideya galing kay Marilou [Diaz-Abaya]. She wanted to do a movie on muro-ami, sa mga bata na ini-exploit talaga, child labor exploitation."Masaya at excited ang National Artist na si Ricky Lee na na-restore at muling mapapanood sa sinehan ang 1999 award-winning film na Muro-ami.

Screenplay writer si Ricky Lee kasama si Jun Lana ng pelikulang ito na idinirehe ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya at pinagbidahan ni Cesar Montano.

"Siyempre, masarap lagi ang pakiramdam 'pag 'yung mga pelikulang ginawa before ay nare-restore. Hindi lang dahil nabibigyan s'ya ng bagong buhay para sa bagong generation, kundi napapanood sa mga sinehan rather than sa streaming o sa YouTube," sabi ni Ricky Lee sa interview ng GMANetwork.com sa naganap na special screening ng Muro-ami.