Article Inside Page

Showbiz News

Alamin ang kuwento ng 'Muro-ami' mula mismo sa screenplay writer nito na si Jun Lana, na muling mapapanood sa sinehan simula June 3.Simula sa Miyerkules (June 3), mapapanood na sa mga sinehan ang remastered version ng 1999 award-winning film na Muro-ami.

Pinagbidahan ito ni Cesar Montano kasama sina Jhong Hilario, Amy Austria, at Pen Medina, at idinirehe ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.

Sa interview ng GMANetwork.com sa screenplay writer ng Muro-ami na si Jun Lana, ibinahagi niya ang kuwento at ang mapapanood sa pelikula.