Article Inside Page
Showbiz News
Tingnan dito kung saan maaaring mapanood ang digitally remastered 'Muro-ami' simula June 3.Simula June 3, mapapanood na sa mga piling sinehan ang remastered 1999 award-winning film na Muro-ami, na pinagbidahan ni Cesar Montano at idinirehe ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.
Sa interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Cesar Montano ang excitement na naramdaman nang mapanood ang remastered version ng Muro-ami sa naganap na special screening nito noong Martes, May 19, sa SM North EDSA Director's Club.
"I'm very excited nang marinig kong magkakaroon. Trailer pa lang tuwang-tuwa na ako. I was jumping up and down. Masaya ako dahil nabuhay ulit ['yung] pelikula," sabi niya.






