Article Inside Page
Showbiz News
Alamin ang naging proseso ng restoration ng 1999 award-winning film na 'Muro-ami,' na muling mapapanood sa piling sinehan simula June 3 dito.Simula June 3, mapapanood na sa mga sinehan ang remastered version ng 1999 award-winning film na Muro-ami, na pinagbidahan ni Cesar Montano at idinirehe ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.
Sa naganap na special screening para sa pelikula, nakapanayam ng GMANetwork.com si Ms. Manet A. Dayrit, President & CEO ng Central Digital LSB, Inc, tungkol sa proseso ng naging restoration ng Muro-ami.
Ang pelikula ay sumailalim sa digital restoration at color grading noong 2024 gamit ang isang 35mm print scanned sa 4k resolution.








