Article Inside Page

Showbiz News

Cesar Montano: 'Muro-ami' ang "pinakamahirap kong pelikula na ginawa sa career ko."Matindi raw ang mga pinagdaanan ni Cesar Montano para magampanan ang kanyang karakter sa 1999 award-winning film na Muro-ami.

Sa naganap na special screening ng pelikula para sa muling pagbubukas ng remastered version nito sa mga sinehan simula June 3, ipinarating ng aktor ang sayang nararamdaman na maibahagi sa henerasyon ngayon ang pelikula.

"That's why I'm so happy na mai-share natin 'to sa generation na ito na hindi na nakita. Ito po 'yung pinakamahirap kong pelikula na ginawa sa career ko. Sobrang hirap," sabi ni Cesar sa interview kay Athena Imperial ng GMA News.