Article Inside Page

Showbiz News

Cesar Montano sa remastered 'Muro-ami': “Parang nanonood ako ng bagong pelikula.”Nagbabalik sa big screen si Cesar Montano sa remastered version ng 1999 award-winning film na Muro-Ami!

Bilang pagdiriwang ng muling pagpapalabas ng pelikula, masayang bumisita si Cesar sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (June 4).

Ayon sa aktor, labis ang kanyang tuwa na mapanood muli ang pelikula mula sa teaser hanggang sa mismong paglabas nito sa cinema screen.