Article Inside Page
Showbiz News
Kamakailan lamang ay nag-celebrate ang family ni Jennylyn Mercado para sa 18th birthday ng panganay na anak na si Alex Jazz. Basahin dito.Masaya at proud mom ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na makitang lumalaki nang maayos ang kanyang mga anak.
Kamakailan lamang ay nag-celebrate ang kanyang pamilya para sa 18th birthday ng panganay na anak na si Alex Jazz na, aniya, parang kailan lang ay bata pa.
"Simple lunch lang sa favorite restaurant ni Kuya Jazz. Tapos lumipat kami para doon sa favorite dessert place naman ni Kuya Jazz. Sobrang saya na niya. Simpleng-simple lang," sabi ni Jennylyn sa interview kay Nelson Canlas para sa 24 Oras.






