Article Inside Page

Showbiz News

Ipinahayag ni Jennylyn Mercado na pamilya ang kanyang prayoridad: “Mas marami talagang oras sa mga bata.”Pamilya at ang pagpapalaki sa mga anak ang pangunahing prayoridad ngayon ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com sa ginanap na album launch ng JEN Deluxe noong Huwebes, August 20, ibinahagi ng aktres kung paano niya nababalanse ang kaniyang karera at obligasyon bilang isang ina at asawa.

Ayon kay Jennylyn, malaki ang tulong ng kaniyang management upang masiguro na hindi naisasakripisyo ang kaniyang oras sa bahay at sa pagiging ina sa mga anak nila ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.