Article Inside Page

Showbiz News

Tuloy-tuloy ang milestones ni Jennylyn Mercado. Alamin kung ano-ano ang mga ito.Magiging mas abala ngayon ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado matapos magtayo ng isang bagong business venture. Kamakailan lang ay inilunsad ng Asia's Ultimate Star ang skincare product line nila na DLN Skin.

Full support naman ang asawa ni Jennylyn na si Dennis Trillo, at kanilang mga anak sa bagong venture na ito.

Sa panayam ni Nelson Canlas kay Jennylyn para sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, June 27, ibinahagi ng aktres na marami siyang nakalinyang proyekto ngayong taon.