Article Inside Page
Showbiz News
Ruru Madrid sa aral at inspirasyon na hatid ng Cinemalaya film na 'Hand of God': "Sobrang nakakataba po ng puso na lahat ng mga hirap, lahat ng mga pagod, worth it pala lahat ng 'yon."Isa sa Cinemalaya films na umaani ng magagandang reviews ngayon ay ang pelikulang Hand of God na pinagbibidahan ni Kapuso primetime action hero Ruru Madrid.
Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, present ang cast at buong produksyon ng Hand of God sa naganap nilang gala screening noong Martes (August 11) sa Shangri-La Plaza, kung saan tinanggap nila ang Certificate of Recognition mula sa pamunuan ng Cinemalaya Foundation at Cultural Center of the Philippines.
Spotted din sa event ang Kapuso actress na si Bianca Umali na full support sa boyfriend na si Ruru Madrid. Dumalo rin ang GMA Public Affairs Senior Vice President na si Nessa Valdellon.






