Article Inside Page

Showbiz News

Hindi daw inasahan ni Ruru Madrid na bibida siya sa isang Cinemalaya film.Isang hindi inaasahang pagkakataon daw para kay primetime action hero Ruru Madrid ang bago niyang pelikula.

Bibida si Ruru sa Hand of God, na tungkol sa isang sundalo na magtuturo ng football sa mga kabataan ng isang liblib na conflict area.

Isa ito sa siyam na full-length entries para sa prestihiyosong Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.