Article Inside Page
Showbiz News
Sinorpresa ni Ruru Madrid ang mga manonood ng kaniyang Cinemalaya 2026 film na Hand of God.Nakisaya at sinamahan ni Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid ang kaniyang fans at mga manonood sa unang araw ng public screening ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2026, sa screening ng kaniyang film entry na pinamagatang Hand of God.
Sa isang post mula sa Sparkle GMA Artist Center, kitang-kita ang saya kay Ruru sa pagbubukas ng ika-22 taon ng naturang film festival noong Sabado, August 8 habang binibisita niya ang mga manonood at mga fans na taos-pusong sinusuportahan ang kaniyang pelikulang kalahok.
Kasama rin ng Kapuso actor ang kaniyang pinakamamahal na real-life partner na si Kapuso actress Bianca Umali na siyang todo-suporta sa kaniya at sinamahan siya na puntahan at sorpresahin ang kanilang mga minamahal na fans.






