Article Inside Page
Showbiz News
Ibinahagi ni Iza Calzado kung bakit espesyal turing niya sa pagganap sa Cinemalaya film na 'Hand of God.'Inilahad ni Iza Calzado ang naging karanasan niya at kung paano siya napabilang sa cast ng Hand of God, na isa sa official entries ng 2026 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
“Just before Mother's Day in May, I got a call from my friend @ranvelrufino about a Cinemalaya film that @theslingshotstudios was producing. He shared the story, the journey of my character Farida, and told me it was inspired by true events,” kuwento ni Iza.
Binigyang-diin pa ni Iza na lalo siyang naengganyong tanggapin ang proyekto nang malamang si Mark Duane Angos ang magdidirek nito, dahil tagahanga na siya ng gawa pelikula niyang Loving Emily.






