Article Inside Page

Showbiz News

Hindi na bago kay Caprice Cayetano ang mga pisikalan sa harap ng kamera dahil sa kaniyang previous projects!Ipinahayag ng lead actress ng You're My Favorite Song na si Caprice Cayetano na sanay na sanay na siya sa mga heavy o pisikal na eksena lalo na't hindi na bago ang ganitong mga tagpo sa kaniyang mga nakaraang proyekto.

Kamakailan, sa isang episode ng kaniyang GMA Afternoon Prime series, buong tapang na hinarap ng kaniyang karakter na si Angel ang karakter ni Serina, na ginagampanan naman ng Kapuso actress na si Kazel Kinouchi, upang pakiusapan itong itigil na ang panggugulo sa ipinatayong resort ng pamilya ni Angel.

Hindi sinasadyang maitapon ni Angel ang cake sa mamahaling carpet sa mansyon ni Serina, na nagbunsod upang lalo pa itong mainis. Dahil dito, nginudngod ni Serina ang mukha ni Angel sa mismong cake na nasa sahig.