Article Inside Page

Showbiz News

Hinangaan ng mga manonood ang heavy at dramatic scene nina Caprice Cayetano at Clifford sa 'You're My Favorite Song'!Dekalibreng acting ang hatid ng CapFord na sina Caprice Cayetano bilang Angel at Clifford bilang Calix sa isa sa latest episode ng You're My Favorite Song!

Sa nakaraang episode, pumayag si Angel (Caprice Cayetano) na makapareha ang kaniyang academic rival na si Calix (Clifford) para lumalaban sa Regional QuizCon kung saan ang siyang mananalo ay mag-uuwi ng malaking halaga ng pera.

Kahit pa labag sa loob niya na makipagtulungan sa mayabang na si Calix, tinanggap ni Angel ang hamon na ito upang makatulong sa pamilya na kasalukuyang dumaranas ng hirap sa pagpapagamot sa may sakit na si Lolo Xavi (Boboy Garrovillo).