Article Inside Page

Showbiz News

Rosmar Tan sa isyu kay Inah De Belen: "Medyo nasaktan ako."Nagsalita na ang content creator na si Rosmar Tan tungkol sa naging isyu nila ng aktres na si Inah de Belen na umani ng atensyon sa social media.

Sa panayam ni Rosmar kasama sina Rendon Labador at Jam Magno sa ToniTalks, ibinahagi ng content creator ang kanyang saloobin tungkol sa naging komento ni Inah laban sa kanya.

"Medyo slight lang naman po na pagpatol kasi medyo nasaktan ako kasi unang una sa lahat, hindi ko siya kilala. Wala akong ginawang masama sa kanya," sabi niya.