Article Inside Page
Showbiz News
Ikinalungkot ng content creator na si Rosmar Tan ang pagkawala ng kaniyang ikaapat na anak dahil sa miscarriage.Ibinahagi ng content creator at entrepreneur na si Rosmarie Tan-Pamulaklakin, na mas kilala bilang Rosmar, ang nakalulungkot na balita ng kaniyang miscarriage ng ikaapat na anak nila ng asawang si Jerome Pamulaklakin.
Sa isang TikTok post, nagbahagi si Rosmar ng mga larawan na nagpapakita ng kanilang pagtungo sa doktor para sa isang ultrasound appointment.
Habang nasa klinika, malungkot na ibinalita ng doktor na wala nang ma-detect na tibok ng puso ang fetus sa sinapupunan ng content creator at tumigil na ang paglaki nito sa ikaanim na linggo, bagay na labis na ikinalungkot ng mag-asawa.







