Article Inside Page

Showbiz News

Nagbigay ng kanilang mga opinyon sina Ashley Ortega at Elle Villanueva tungkol sa iba't ibang isyu na kinakaharap ng mag-nobyo.Bilang mga kababaihan na nasa isang relasyon, ibinahagi nina Apoy sa Dugo stars Ashley Ortega at Elle Villanueva ang kanilang saloobin tungkol sa iba't ibang isyu na kinakaharap madalas ng magnobyo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 25.

Isa sa mga una nilang tinalakay ay kung dapat pa bang pag-usapan ang exes kung nasa isang relasyon na kayo. Para kay Ashley, normal lang naman iyon kung nasa getting-to-know stage pa lang sila ng boyfriend na niya ngayon na si Mavy Legaspi.

Pero paglilinaw ng aktres, “Nu'ng naging kami na, we don't really talk about our exes anymore. Hindi naman sa pinagbabawal ko na 'O, let's not talk about our ex anymore.' It's just that we don't talk about it anymore.”