Article Inside Page
Showbiz News
Ashley Ortega sa kanyang mental health journey: "I surrounded myself with the right people."Isa sa mga pinag-uusapan sa social media at sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo ang mental health.
Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi ni Ashley Ortega, na gumaganap bilang Kiara sa serye, na naiintindihan niya ang bawat taong nakararanas ng mental health struggles tulad ng kanyang karakter.
"Well, actually sa generation namin, a lot of people are going through it. And ako naman, of course, there was a time rin na I got depressed. I felt lonely, and may mga mental breakdowns," pahayag ng aktres.






