Article Inside Page

Showbiz News

Ashley Ortega sa kanyang character plot twist: "Pati ako nagulat din tulad ng viewers."Sa mga susunod na linggo, mas lalo pang titindi ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo dahil sa malaking rebelasyon tungkol sa tunay na pagkatao ni Kiara (Ashley Ortega).

Ayon sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras noong Miyerkules, June 3, inamin ng Apoy sa Dugo actress na nagulat din siya sa plot twist ng kanyang karakter.

"Medyo late ko na lang din nalaman. I found out na ako pala si Kiara. During that time na shino-shoot namin 'yung bandang week na 'yun, so I wasn't aware, so pati ako nagulat din tulad ng viewers," sabi ng aktres.