Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang mga karakter nina Jeric Gonzales at Liezel Lopez sa finale week ng 'Apoy sa Dugo.'Mas tumitindi ang banggaan sa pagitan nina Vanessa (Elle Villanueva) at Kiara (Ashley Ortega) sa nalalapit na finale ng GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.

Para sa isang “crazy plot twist” sa serye, mas nadagdagan pa ang kakampi ni Kiara mula sa mental facility upang tulungan siya sa paghihiganti laban kay Vanessa at sa buong pamilya Panganiban.

Isa sa mga bagong kakampi ni Kiara ay ang Sparkle artists na sina Jeric Gonzales at Liezel Lopez (Ligaya), na gumaganap bilang magkasintahan.