Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang pinaplanong panggugulo ng Team Kasamaan ni Kiara (Ashley Ortega) hanggang sa finale week ng 'Apoy sa Dugo.'Handa na ba kayo sa mas madugong puksaan?
Tuloy-tuloy ang kasamaan ni Kiara (Ashley Ortega) kasama ang kanyang pinakabagong crew na sina Omar (Jeric Gonzales) at Ligaya (Liezel Lopez) mula sa mental facility matapos nilang pasukin ang village nina Vanessa (Elle Villanueva).
Mas ramdam ang galit ni Kiara, at hindi na siya mapipigilan sa kanyang plano na ligpitin ang buong pamilya Panganiban.






