Article Inside Page

Showbiz News

Handa bang magpatawad sina Ashley Ortega at Elle Villanueva sakaling malaman na nag-cheat ang kanilang mga boyfriend?Isa ang cheating sa mga itinuturong rason kung bakit madalas naghihiwalay ang isang couple. At para sa Apoy sa Dugo stars na sina Ashley Ortega at Elle Villanueva, ito ay isang bagay na mahirap patawarin.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 25, inamin ni Ashley na hindi pa niya kailanman naranasan ang cheating kahit sa past relationships niya.

Kaya naman, pag-amin ng aktres, “Honestly, kunyari, 'wag naman sana, if Mavy would cheat, I honestly don't know if I can forgive him or hindi ko na siya mapapatawad. Kasi hindi ko pa siya na-experience so I don't know that pain yet.”