This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Nico Villarete

Ang itim ay nagiging puti, ang mali ang nagiging tama. Sa ganyang paraan naaagnas ang moral fiber ng lipunan.

Noong July 7, dumalaw si Vice President Sara Duterte sa Senado at nag-iwan ng quotable quote: “In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed.”

Sa kamay ng tunay na inaapi, makapangyarihan ang mga tula. Nagiging sandata ito ng resistance — tulad na lang ni Nelson Mandela na humugot ng inspirasyon sa tulang Invictus sa mahabang taong pagkakabilanggo. Ang tula, noon at ngayon, ay timeless at sublime — at nagre-resonate ito sa mga humaharap sa malaking pagsubok dahil nagbibigay inspirasyon ito upang maging matapang at resilient.