Nico Villarete
Nakaiinip talaga ang proseso ng bail. Pero tanging si Sara lang ang nakapag-trantrum live on cam.
Sara Duterte likes to mix up her messages and roles.
Mula sa mistulang mafia boss na “no joke, no joke” na kumontrata ng hitman noong November 2024, nitong September 5, ang nakita natin ay isa namang Sara na insecure, even paranoid, sa kanyang security.
She “does not feel safe.” Lalo na raw sa harap ng kapulisan. Well, may point naman siya — pero sinong pamilya ba ang nagtransporma sa kapulisan upang maging extrajudicial killing machine? Hindi ba ang mga Duterte?












