This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Alam ba ni Chiz ang kahulugan ng “the greater good” na hiwalay sa kahulugan ng “the good of Chiz?”

Ngayong may malinaw nang mga petsa ang pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, aligaga, balisa, ang maraming umaasa ng patas, maayos, at makatarungang paglilitis. Higit pa diyan, dapat itong magbigay sa taumbayan ng unprecedented insight sa karakter ng pinakapopular na kandidato sa 2028.

Kung sakto sa hulog, bakit hindi? Pero kung wala sa hulog — dapat magkaalaman na ngayong trial. Hindi lang ito political teleserye — dapat ang tanong natin bilang botante: karapat-dapat ba siyang maging bise presidente, at sa hinaharap, presidente?

Pero bago ‘yan, may isang malaking tanong pa ngayon: Given ang composition nito, mapaninindigan ba ng Senado ang katungkulan na litisin ang Bise?