Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang adventure at mga misyon ni Miguel Tanfelix sa 'Planet XP' sa July 4.Tara, G! sa Saturday adventure ni Miguel Tanfelix sa Planet XP!

Ngayong July 4, mapapanood ang pagsabak ni Miguel sa iba't ibang misyon sa Cavinti, Laguna.

Tatlong hamon ang haharapin ni Miguel sa episode ng Planet XP. Susubukan niyang mag-harvest sa pandan forest, matutunan ang paggamit ng tradisyunal na ilohan upang makabuo ng sambalilo, at mag-trek sa mga forest trail ng Cavinti.