Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang panibagong misyon ni Miguel Tanfelix sa San Jose, Tarlac sa 'Planet XP' ngayong May 23.May bagong adventure si Miguel Tanfelix sa Planet XP kung saan ibabahagi niya ang isang hidden gem ng San Jose, Tarlac.
Sa episode ngayong May 23, makakasama ni Miguel ang grupo ng mga local mountaineers sa isang Mt. Ngile adventure. Ituturo sa kaniya ng Tarlac Mountaineering Club ang iba't ibang kaalaman tungkol sa mga bundok at mountain climbing activities na matatagpuan sa kanilang probinsya.
Tampok sa episode ang iba't ibang misyon ni Miguel tulad ng pagmomotorsiklo, pag-akyat ng bundok, at isang relaxing bonfire picnic sa tabi ng ilog.







