Article Inside Page

Showbiz News

Ipinakita ni Miguel Tanfelix ang mga natutunan niya bilang host ng 'Planet XP.'Napansin ng mga manonood na sa ilang episodes ng Planet XP ay madalas magbitiw ng mga biro si Miguel Tanfelix habang nakikipag-usap sa mga taong ini-interview niya.

Ayon sa Planet XP, ginagawa ito ng aktor at host upang pagaanin ang usapan, lalo na't karamihan sa mga kanyang nakikilala sa programa ay unang beses pa lamang na humaharap sa camera at hindi maiwasang kabahan.

Sa episode 4 na umere nitong May 23, inakyat ng Planet XP ang tuktok ng Mt. Ngile na may taas na 500 MASL (meters above sea level). Kasama ni Miguel ang grupo ng mga local mountaineers sa Mt. Ngile adventure. Pinasaya pa ni Miguel ang buong set nang magkunwari siyang isang news reporter habang nasa harap ng bonfire sa San Jose, Tarlac.