Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang pagbabalik ni Miguel Tanfelix sa 'Planet XP' sa GMA simula June 27.Magbabalik sa telebisyon ang five-part magazine infotainment special na Planet XP na pinangungunahan ng Kapuso star na si Miguel Tanfelix.
Simula ngayong June 27, muling masusubaybayan ng mga manonood ang mga adventure at makabuluhang paglalakbay ni Miguel sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Sa pagbabalik ng Planet XP, muling maipapakita ni Miguel ang kanyang hilig sa adventure, travel, at pagtuklas sa mga natatanging kuwento ng mga Pilipino.






