Article Inside Page

Showbiz News

Tanong daw noon ni Kris Bernal sa sarili, "Nalalaos na ba ako? Hindi na ba ako magaling umarte?"Inamin ni Kris Bernal na nag-alala siya nang panay kontrabida roles na ang kanyang nakukuha mula sa pagiging bida na sa ilang teleserye.

Habang namimili ng alahas para sa nalalapit niyang kaarawan, naikwento ni Kris sa content creator at Maddox Jewelry owner na si Charo Cordial ang kanyang career journey, kabilang na ang pagtanggap ng kontrabida roles.

Ayon sa actress-TV host, noong una ay nahirapan siyang tanggapin ang pagbabago. Dumating din daw sa puntong nasaktan at kinuwestiyon ni Kris kanyang sarili.