Article Inside Page
Showbiz News
Bakit kaya naging emosyonal ang isang tindera nang makita si Ruru Madrid?Isang hindi malilimutang tagpo ang naganap sa set ng proyekto na ginagawa para sa Cinemalaya 2026 ni Primetime Action Hero Ruru Madrid matapos maging emosyonal ang isang tindera na naglalako ng meryenda nang makita ang aktor.
Sa post ni Anton Cesario sa Facebook Reels, makikitang kinakausap ni Ruru ang isang tindera na naglalako ng maruya at lumpiang gulay malapit sa set nila sa Tanay, Rizal. Sa naturang post, ibinahagi niyang pinakyaw ng aktor ang mga paninda nito at ipinamahagi sa kanilang crew sa set.
Nang tanungin ni Ruru kung bakit umiiyak ang ale, sinabi nitong mabait kasi ang aktor.






