Article Inside Page
Showbiz News
Muling magsasama sina Ruru Madrid at Dennis Trillo sa bagong GMA Prime series na 'Hari ng Tondo.'Matapos ang kanilang matagumpay na pagsasama sa award-winning prison drama film at entry sa Metro Manila Film Festival 2024 na Green Bones, muling magsasama sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Kapuso Prime Action Hero Ruru Madrid.
Bibida ang dalawa sa pinakabagong action series ng GMA Prime, ang Hari ng Tondo.
Bagamat nagkatrabaho na sa pelikula, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama sina Ruru at Dennis sa isang proyekto sa telebisyon.










